
Vice
Sa ika-apat na weekly finals ng trending pageant sa "It's Showtime," signal number 5 ang lakas ng dating nina Anika Garcia, Eysi Vigo, Carla Flores Argonza, Rhed Sicua, Cassandra B., at Justin Manlapas. Dahil weekly finals, tatlong rounds ang pinagdaanan ng mga kandidata hanggang masala kung sino ang pinaka pak na pak sa chukchak. Sa unang round na Tumpak Ganern, sina Anika at Carla ang naligwak. Ang mga umabante sa Wit Lang na sina Eysi, Rhed, Cassandra, at Justin, nagpataasan ng creativity, intelligence, at eloquence sa pagsagot sa mga nabunot na tanong na may kinalaman sa mga sitwasyon ng pag-big. Lahat ng kandidata ay markado sa mga hurado. Ngunit para bang may 'red string' na ikinabit sa kanilang dalawa ang tadhana, sina Justin at Cassandra, na nag-tie kahapon, ang muling nag-face off sa Beklamation. At katulad ng kanilang kapalaran kahapon, muli silang nag-tie. Mula sa Bahay Ni Kuya, very much welcome na bumisita sa "It's Showtime" Laro Laro Pick game arena ang mga celebrities na ex-PBB housemates. Say hello kina Jameson Blake, Karina Bautista, Kai Montinola, Jas Dudley-Scales, Vince Maristela, Joauqin Arce, Inigo Jose, Reign Parani, Vivoree, AC Bonifacio, and Lella Ford. Napanood din ang Episode 5 ng Memerimar! Napagod lang si Vice Ganda sa haba ng intro, pero ang ending, O.T. pa rin! Nakilala na rin ang kanyang beloved 'yaya' na si Corazon, na ginagampanan ni Ogie Alcasid. Kontrabida mode on sina Senyora Angelika (Jhong Hilario) at Inocencia (MC), na pinagbintangang magnanakaw si Memerimar. At ang masakit pa rito, hindi siya pinaniwalaan ng nobyong si Sergio (Vhong Navarro). Hindi lang sa Bahay, kundi pati sa game arena, Big Winner si Lella! Siya ang sole survivor sa mga games at umabante sa jackpot round, kung saan matapang siyang kumasa sa POT question dahil ang perang mapapanalunan ay ido-donate sa ABS-CBN Foundation. #ShowtimeTalakMode #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment







