
Miss Q&A: Thalia, na-STEAL ang pwesto kay Julia
Maki-sound trip na with with the musical duo Music Travel Love, na binubuo ng magkaatid na Bob and Clint Moffatt, na mula sa pop-rock band The Moffatts, ang mga OG crushies ng '90s girlies. Times three ang kilig dahil kasama pa ang kanilang triplet brother na si Dave. Signal No.5 ang pagbuhos ng wit ng mga "Miss Q and A" candidates. Sa June 25 episode, sina Julia Masungsong, Thalia Marimar Fulgoso Meiy Amor, at Mama Mama ang best in recitation, talak kung talak for the whole nation. Kapag nagkandabuhol-buhol ang sagot, idaan na lang sa conviction! Si Mama Mama, mabilis na nakalusot sa 'Tumpak Ganern' round matapos maibigay ang tamang English term ng 'hikab.' Pero nagkagulo ang everyone sa ikalawang katanungan na may kinalaman sa spelling! Nilaban ni Julia ang sagot niya sa spelling ng “vaccum” na “victory-a-c-u-u-m” pero hindi ito tinanggap dahil, paliwanag ni Vice Ganda, hindi letra ang “victory.” Sa 'Wit Lang' round, nabunot ni Mama Mama ang tanong na kung ano ang gagawin niya kapag nanaginip siya na kumakain siya ng masarap pero paggising ay may waiter na naniningil. Si Thalia naman, bahagyang natigilan sa kalagitnaan ng talak, pero effective naman na pambawi ang kanyang cute na ngiti. Samantala, expect heavy downpour ng kagandahan sa pagdating ng espesyal na hurado, si Miss Universe 2025 3rd runner-up Ahtisa Manalo. Thunderstorm advisory: Posibleng bumuhos ang selos! Si Vice Ganda, para bang 'na-jelly' sa pagpansin ni Ahtisa sa joke ng kanyang hubby. Hayaan mo na, Meme! Tumawa lang naman, eh! Inspirasyon na dala ng mga AUsome parents na bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena. Sila ang mga mapagmahal at matatatag na magulang na may anak na PWD (Person With Disability). Hinangaan ng Madlang People ang tibay ng puso ni Nanay Lele, na ang anak ay bulag at may autism. Doble pa ang hirap ni nanay dahil solo lang siya sa buhay, at walang sustentong nakukuha sa dating asawa. Pero doble rin ang pagmamahal na ibinubuhos sa anak niya. Kahit nagbabadya ang buhos ng ulan sa kalangitan, hindi suspended ang pagpapalabas ng 'Showtime The Movie,' este ng mga eksena sa 'You Gotta Lyric.' With special participation ni Ralph de Leon ang breakup scene kung saan ang kagandahan ni Lassy, mas lumamang sa alindog ni Cianne. All-star cast naman ang mala-"Princess Sara" na eksena kung saan bumida si Vice Ganda. Siya si Vice Sara! At ang leading man ni Meme, syempre, si Ion Perez bilang Peter C. Walang nakaligtas sa lupit ni Jhong Hilario bilang Miss Minchin, na pabirong pinag-trip-an si Meme at ginawang 'fur baby.' Hanggang sa ang eksenang pagtatanan, nauwi sa habulan (nadapa si Miss Minchin!) at basaan! Walang Unkabogable card dito, dahil kahit si Vice Ganda, ayun, basang-basa! Pagkatapos ng magulong aktingan, naging seryoso ang usapan nina Vice at Lele sa jackpot round. Si Meme, nagbigay ng payo sa mga nagpaplanong magkaroon ng anak. Mabilisan na ang tawaran, si Meme na mismo ang nanghikayat kay Nanay Lele na mag-POT. Dahan-dahang binasa ni Meme ang POT question, na nasagot ni Nanay Lele nang tama kaya sa kanya ang P100,000 jackpot money! Bumuhos ang luha ni Nanay Lele at napayakap kay Meme. #ShowtimeOTkayaToday #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment







