Miss Q&A Jerica na-FEEL ang LAMBING ni Ryan

Miss Q&A Jerica na-FEEL ang LAMBING ni Ryan

2026-07-08
Reality

Pagkatapos ng kanyang historic win sa 'Tawag Ng Tanghalan' Ika-10 Taon, noong nakaraang linggo, nagbabalik si Yannie Paul Basical sa entablado upang muling iparinig ang tinig na nangibabaw sa TNT stage. Ang mga beki sa "Miss Q and A," parang naka-unli cups of coffee sa taas ng energy. Sa rampahan pa lang ay to the maximum level na ang bardagulan ng mga contestants—Queen Angie ng Rizal, Jerica Perater ng Leyte, at Lucky Rosales Collins ng Manila. No'ng isang araw, may napagdudahan ang kabaklaan. At parang déjà vu, mayro'ng muntik nang 'imbestigahan' for today's video. Ang "It's Showtime" hosts, parang duda kung 19 years old ba talaga si Contestant #2! Promise, bagets pa siya, kaya nga hindi pa nagkaka-jowa! At para ipa-feel naman kay Jerica ang tamis ng pumapag-ibig, siya'y pinakilig ni Ryan Bang, ang ating 'oppa,' sa isang ekena na nagtapos sa slow-mo moment ala K-Drama. At parang slow-mo rin ang performance ng mga kandidata sa TumPak Ganern round. Sina Lucky at Queen Angie naman ang nagtalakan sa ‘Wit Lang’ kung saan pumili sila ng magkaibang katanungan. Isandaang libo ang pwedeng mapunta sa maswerteng taga-Cupang, Mutinlupa na makakarating sa dulo ng Laro Laro Pick game arena. Pagdating sa aktingan, all-star cast ang eksenang digmaan. Walang nakapaghanda sa 'props' na dala ni Vice Ganda. Ang mga hosts, hindi na nakaiwas! Si Meme may mga dalang 'pasabog' at panlaban, kaya ang digmaan ay nauwi sa katatawanan! Sa dami ng nangyari, si player Ali ang kinapitan ng swerte. Ang Li-Pot offer, itinodo na sa P30K! Alin ang pipiliin ni Ali? #ShowtimeTalakPa #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment