
It's Showtime
Representing mga kabataang matatayog ang pangarap at maaasahan sa anumang hamon, P-Pop group CLOUD 7, hindi inatrasan ang 'Oohh Lala Baby' dance challenge. Parang kidlat na gumuguhit sa langit, ang mga kandidata ng 'Miss Q and A,' pasabog ang wit! Hindi nagpakabog sa isa't isa sina candidates Mima Linda, Shanaya, at Gel Balantac. Sa magkabilang gilid, sina Jhong Hilario at Vhong Navarro, panay ang bulong kay Vice Ganda. Baka naman daw na-scam sila ni Mima Linda, na para bang pagpapanggap lang ang kabaklaan dahil sa awrahang matigas, 'yung tipong patutumbahin ang mga kalalakihan sa suntukan. Si Nicole Cordoves nga, hinarana't pinormahan! May sariling 'amats' din si Shanaya, na idinaan sa dance steps ang pang-aasar kay Mima Linda. Samantalang si Gel, tahimik lang at tagaktak ang pawis habang nagpupuksaan ang dalawang kasama. Pawis, este, panis kayo sa kanya! Maraming nasorpresa na si Gel pa ang naunang makasagot nang tama, matapos ang mahaba at nakakapagod na Round 1 kung saan litong-lito ang mga 'atecco' kung ano ang 'kidlat' at 'kulog' sa Ingles. Kaya today, mga ses? Sumunod kay Gel si Shanaya sa Round 2, samantalang si Mima Linda ay tuluyang nag-babu! Sino ang itinanghal na Reyna TalakEra of the day? ‘Yung Mama ay blue, o ‘yung Papa ay red? Sa 'Laro Laro Pick' game arena, lumaban nang masigasig ang mga taga-Santolan, Pasig. Si player Annes ang kinapitan ng swerte! Hindi pa man pumipili kung POT o Li-POT, feeling winner n si Annes sa kilig na hatid nina Ralph de Leon, Brent Manalo at Darren. 'Sana all' na lang talaga ang masasabi mo! Mukhang may nainggit! Hala! Si Jackie Gonzaga, abang na abang, feel na feel ang eksena kasama ang tatlong gwapo! Pero ano 'tong chika?! Si Jackie, may ka-talking stage na taga-GMA?! Umepek naman ang sales talk ng mga pogi, dahil si Annes, Li-POT ang pinili. Nag-uwi siya ng P20,000! #Showtime #ABSCBNEntertainment #ItsShowtime







