“Baboy ka!” Vice, ‘naligo’ ng gatas mula sa bibig ni Vhong!

“Baboy ka!” Vice, ‘naligo’ ng gatas mula sa bibig ni Vhong!

2026-07-03
Reality

Ngayong July 3 and every day, ang tawanan sa "It's Showtime ay free. Kasama ang mga kandidata ng Miss Q and A, ang good vibes ay times three! Sina Agua ng Parañaque City, Raux Araneta ng Negros Occidental at Kyla ng Laguna, kanya-kanyang paandar sa pagpapakilala sa Madlang People. Pero ang pinakagusto nilang makilala, eh 'di ang mga crush nila! Parang Valentine's season sa buwan ng Hulyo, kilig ng ladies ay todo-todo dahil kina Michael Sager, Ralph de Leon, at Brent Manalo. Pero hindi lang crush ang kayang nilang ipaglaban, dahil pati sa social issues ay hindi matitinag ang kanilang paninindigan. Syempre, namana nila ang tapang ni Vice Ganda, na hindi matatakot 'ipahiya' ang mga magnanakaw, lalo na 'yung mga sangkot sa flood control scam, kung sakaling makasabay niya ito sa daan. Pero kung guwardiyado ang magnanakaw, teka lang, ibang usapan na 'yan. Mukhang na-inspire ang mga kandidata kina Michael, Ralph at Brent dahil sa unang round ay mabilis ang kanilang pagpindot at pagsagot. Sina Agua at Raux ang nanguna sa Tumpak Ganern at nag-face off sa Round 2 na Wit Lang. Parehong magaling! Mga answers nila ay winning! Kaya naman 'it's a tie' ang resulta. Sa araw na 'to, mayroon tayong dalawang Miss Q&A Reyna TalakEra. Sa pinakabagong inaabangan na 'teleserye' sa tanghalian, ang You Gotta Lyric portion ng Laro Laro Pick, pang-finale ang eksena nina Vice Ganda bilang MemeRimar at Vhong Navarro bilang Sergio. From aktingan, back to hosting si Vice Ganda upang papiliin si Duday, ang lucky player from Mandaluyong, kung Pot o Li-Pot ba ang desisyon niya. Wala nang patumpik-tumpik pa, Li-Pot offer ay itinodo na! Kaya hindi na rin nagdalawang-isip si Duday, at tinanggap na ang Li-Pot. Ngunit laking pagsisisi ni Duday dahil nang subukan ang POT question, tama sana ang sagot niya. Pero tulad ng ipinangako ni Vice Ganda, dinagdagan niya ng P5,000 ang papremyo ni Duday sa oras na makasagot ito nang tama. #ShowtimePickJuly #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment